Travis Scott Houdini Lyrics


Paano Na? by Keiko Necesario

Sa bawat gabi na wala kana sa aking tabi
Napagtanto ko nang di na mabalik
Ang pananabik
Na dati'y tila di na mag mamaliw

Di mo ba, ramdam ang hapdi?
Na dinulot ng luha at pagka sawi
Nitong damdamin na nag laho
Sa masalimuot nating daigdig

Para bang nagalit ang pagkakataon
Sa atin na ang tanging hangad lamang
Ay umibig

Ikaw ang tanging mahal
Di ko inakalang di magtatagal
Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano nang pagmamahalan?
Ito na nga ba ang ating hantungan?

Ipinikit ang mga mata
Upang di na masaksihan pa
Ang iyong mga hakbang
Na unti unting naglayo sa atin

Para bang nagalit ang pagkakataon
Sa atin na ang tanging hangad lamang
Ay umibig

Ikaw ang tanging mahal
Di ko inakalang di magtatagal
Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano nang pagmamahalan?
Ito na nga ba ang ating hantungan?

Paalam
Ika'y di malilimutan
Kailanman

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics