Viente Tanaw Lyrics


Tanaw by Viente

Verse I
Halimuyak ng pagibig
Tila limot ko na
Ilang taon na nga ba
Mula nang alisin ang litrato mo sakin pitaka
Kahit pa ang dami kong reserbang kopya
Pipilitin pa ba? Kung ang sarili ay di madaya
San ba paroon ang
Pusong nakulong Ba't
Ba hanggang ngayon ay
Galaw ko'y paurong
Hindi rin nakatulong
Ang pagtapon
Ng lahat mga gamit mong
Naiwan sa kwarto kong
Alaala mong laman
Nag aabang na lang

[Chorus]
Sa buwan tumatanaw
Sa nagniningning na bituin humihiling
Makita ka
Mahagkan pa
At madama ang init ng iyong halik
Pagka't ikaw ang dahilan ng pag ngiti

Verse ii
Ang lumipas na nakaraan
Kung pwede lang balikan
Ay di ka na bibigyan
Ng kahit na anong dahilan
At maisip mong lumisan
Sa bawat araw na lumilipas ay
Napapaisip kung nagkulang ba ang ibinigay
Upang bitawan mo ang aking kamay
Para mo na kong pinatay
Bakit pa ba naghihintay
(Repeat Chorus)

[Bridge]
Kung sakaling marinig ang aking awitin
At iyong mawaring nais pa muling bumalik sa akin
Hindi mag aalangan, at dalian kang sasalubungin
Kahit pa masaya ka na sa kanyang piling

Last Chorus
Sa buwan tumatanaw
Sa nagniningning na bituin humihiling
Makita ka
Mahagkan pa
At madama ang init ng iyong halik
Giliw simula
Nang 'yong pagkawala
Naubos na ang dahilan ng pagngiti
Ang pagibig mo ang buhay ko hanggang huli
Hanggang huli

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics