Calix Limbo Lyrics


Limbo by Calix

[Chorus]
Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin
Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin
Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang yong panghi
(Kaya) hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo!

[Calix]
Libo-libong mga mata lahat ng ito sayo ngayon ay nakatingin at nakatingala (bakit ganun?)
Bakit di mo masabi kung ano ba ang dapat na gawin sa mga patapon na buhay nila
Ikaw na ang naka-upo pero bat ganon nag-mimistula na ikaw pa ang takot at ligaw
Na sumayaw, na gumalaw, sa panahon na to walang silbi ang mga pahapyaw (duwag)

[JamySykes]
Takip-mata, tenga, bibig naka-kabig ang dibdib
Palayo sa mga ngangailangan ng pansin
Parating na nga ba takip-silim? Para sa mga dinadaing o tuloy parin?
Ang paghihirap, at paghahagilap ng mga kasagutan para saming pakiusap
Pero para pa saan? Ang pagtitiis?
Kung sa paglapit namin sayo ay kusa ka naman na lumilihis?

[Calix]
Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?
Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung numero lang ang tingin mo sa amin
Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?
Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung pagkatapos ng lahat itatapon din kami?

[JamySykes]
Bakit ko kailangan lumuhod? Di naman ako naniniwala
Bakit ko kailangan sumunod? Di ko naman gusto na sumama
Kahit ano pang piliing daan, iisa lamang ang pupuntahan
Wag mo sanang ikagulat kung matagpuan mo ako sayong kalalabasan

[Chorus]
Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin
Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin
Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang yong panghi
Kaya, hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo!

[JamySykes]
Dugo na sinlamig ng semento sa sahig ang dumadaloy sayong litid at nakalakip
Na dapat mapatid para wala ng mamimilit na kami'y kumilos sa bawat pagpihit
Balewala na ang mga maskarang suot, bawat kakulangan napupuno na ng poot
Mapagbigay kuno pero puro lamang abot. Ilang ulit tinanong, wala paring mga sagot

Lahat ay huwad at walang totoo, sa bawat panuto may panguuto
Walang ibang makita sa kanilang harapan, mga dapat na nagsisilbi'y pinagsisilbihan
Ninanakawan na't lahat gusto parin makamayan, ilang beses nang nahuli pero pinakawalan
Mga katauhan nila di mapangatawanan, nakakasawa nang mabuhay sa puro katangahan

[Calix]
Tumingin, tanungin, gagawin mo ba? O inuuna mo muna ang pag-sasalita?
Alamin ang salarin, kelan ba darating? Nasan na banda ang mabuting balita?
Mas importante bang mag bigay pugay muna sa katulad mo bakit di ka magkusa?
Mga huwad na tala na nag bibigay kinang, mga hibang hindi naman namin kayo kilala

Sino ka ba? Bakit para samin ika'y rume-representa?
Kung ang kumikilos lang sayo bunganga, ngayon palang ay tumigil ka na
Pagka't hindi kami nandito para lang maging medalyon mo, wag ka maging ipokrito
Lahat kami alisto sa mga ka-uri mo, pare-pareho lang kayong mga gago

Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?
Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung numero lang ang tingin mo sa amin
Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?
Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung pagkatapos ng lahat itatapon din kami?

[Chorus]
Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin
Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin
Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang yong panghi
(Kaya) hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo!

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics