Calix Manilab Lyrics


Manilab by Calix

[Chorus]
Sunugin na natin! (Sistema na dahilan ng paghihirap)
Sunugin na natin (Lugar na nabalot ng karahasan)

Sunugin mo na, matitira
Lahat nang sa simula 'di na tinag
Pabagsakin na ang pinag-mumulan
Ng lahat ng sakit at paghihirap

Ang makina na nag-babagong anyo
Katumbas ng laman ng kokote nyo
Pilit nila tayong binobobo
Habang sila nama'y uupo sa trono

Mga putang ina nila
Papayag ba tayong na maging alipin nalang?
Mga putang ina nila
Papayag ba tayong sa buhay kontento nalang?

Sa ilusyong komportable kuno
Kadena sa bisig ng makamundong
Yaman habang tayo'y nakakulong
Sa sistemang bulok, sa sistemang ulol

[Chorus]
Sunugin na natin! (Sistema na dahilan ng paghihirap)
Sunugin na natin (Lugar na nabalot ng karahasan)

Sunugin na natin! (Sunugin na natin 'to)

Hahanapan mo ba ng pag-asa ang bansang ito?
Pinaglaban mo na, dehado ka pa
Pinagdanakan mo na ng dugo
Pagkatapos kapalit ang leeg na ginilit
Dahandahang binili ang mga ngiti
Nawalan na ng silbi mga pisi ng pag-asa'y napigti napigti napigti

Pinili nyo lang bang magbulag-bulagan sa mga nangyari?
Porket hindi kayo apektado, satingin nyo ba hindi kayo kasali?
Pag oras na ng barilan sa tingin nyo ba hindi kayo tatablan
Ng tinggang nakatutok sa inyong katawan
Dahan-dahang hahatakin ka sa kawalan

Buhusan mo na, sindihan mo na nang matapos na 'to
Tupukin na ng apoy ang bansang nagpapahirap sayo
Kahit anong sikap, di natin ramdam ang pagbabago
Tara na't burahin ang pilipinas sa mapa ng mundo

[Chorus]
Sunugin na natin! (Sistema na dahilan ng paghihirap)
Sunugin na natin (Lugar na nabalot ng karahasan)

Sunugin na natin! (Sunugin na natin 'to)

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics