Bullet Dumas Galit Lyrics


Galit by Bullet Dumas

Narinig na namin 'yan
Tatlong gabi na ang nakaraan
Ganun pa rin
Hindi magkarinigan
Sabay ang kumpas ng bibig
Saradong isipan
Kumakatok ang dibdib

Galit

Kahit sa harapan
Ng ignoranteng paslit
Walang matakbuhan
Nakakandado ang kapitbahay
Ang dati naming bahay
Hapag na ng impyerno
Maaari pa bang maging anghel
Ang anak ng demonyo

Galit ng ama sa ina
Galit ng anak sa ama
Galit ng magkakapatid
Galit

Umiikot nalang ang galit

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics