727 Clique Trabaho Lang Lyrics

Trabaho Lang by 727 Clique

[Verse 1 - Arpee Turla]
Ako'y namulat sa gubat na baboy ramo ang hari
Kung san ibon ay bakal, puno'y nagtataasang gusali
Puso ng Lion, balat ng Oso dapat ay dito ka yari
Dahil tuso mga Ahas wag na wag kang magpapayari
Nadiskarte ng lagare umaga hanggang gabi
Salungat ka wala tong pake di mo ko mapapatabi
Na marating ang tagumpay sa kabila ng kasukalan
Ng kagubatang nilakaran ko mula pa nung kabataan (uh)
Ito ang Baclaran kalakaran dito kaliwa't-kanan
Tabunan mo ang kahinaan pakita mo na di ka nila pwede na tapakan
Ang kahirapan ay upakan hanggang bumagsak
Lumingon pabalik kung san nanggaling sa utak ko yan sinaksak (argh)

[Verse 2 - Paul Cassimir]
Laman na naman ng nga usapan man dito sa hiphop scene
Mga Halimaw, Beterano, Bago, God and King
Yeah ibang klase din sanay sa digma
Walang pake sa mga peke at talangka sa mga timba
Kumawala lang sa kadena pero ako'y ganun parin
Utak ko tuon lang sa pag galaw at di magmahangin
Umpisa pa lang ng pahina wag ng pilasin wag manghila
Nagtyaga gumawa ng paraan upang umusad ang pila (yeah)
Trabaho lang man walang personalan (yah)
Respeto lamang yun lang ang aking kailangan (yah)
Mga paa sa lupa walang tatapakan na kahit na sino
Down pa rin kung down sa'king pangalan (yah)

[Verse 3 - Astro]
Masdan aming galaw ibang-iba sa narinig niyo
Sasakupin gamit musika Baclaran to Tundo
Tamad tong magpahinga ayokong magantay ng bayabas
Di nalang nangaapak lumalaban tong may patas
Praktikal lang ang buhay may bahid ng Ilegal
Nangangarap din sa hinaharap marijuana ay ma-Legal
Tus lahat ng mga peke nakikita ko mata
Pabaliktad ang mga tingin basa ko na sa mga salita
Mas pinili kong gumalaw kesa matulog o humiling
Di hinayaang maging salungat sa pag sipag ko hinambing
Nabaliw iba sa problema, hindi sa droga
Sarili di makalaya tila laging naka kadena

[Verse 4 - Lexus]
Chillin steady lang sa aking hood
Tapos wake and bake para di masira mood
Sa eksena laging gutom asan na ang food
Owfuck Gang iba ang pananaw pero di kami rude
Tableta't usok pati alak
Nag lalaro sa aking utak
Kanta't chongke padin ang tinutulak
Hanggang sa mawala ang haters na isang katutak (uhh)
Kailangan namin gumawa ng moves
Fuck the law sometimes you need to break the rules
Unstoppable like 96-97 bulls
Natutong dumiskarte kalsada ang nag silbi kong school

[Verse 5 - Jim Dacanay]
Trabaho lang pre, bawal personalan
Mabagal man walang pake hindi to paunahan
Sa larangan ng pag-hustle pagmasdan mong lumaro
Magugulat ka na lamang maiiwang tuliro
Buwaya ang galawan, tawagin mo kong Binay
Aabutin yan sila hintayin mo ang patunay
Patay-gutom sa respeto at uhaw sa salapi
Hahamakin ang lahat hanggang sa dulo magwagi

[Verse 6 - Ryke]
Ito'y trabaho lang para sa akin walang personalan ang kaso lang
Bago ko umpisahan pede bang makainom kahit isang baso lang
Para malaman ko kung kayo ba lunukin ang mga atraso ng
Mga kulang kulang at walang bilang kayo'y isang lampaso lang
Wag kang mag mataas kung ikay hanggang paa lang
Subukan mo na lang magpahinga ng pahalang
Hindi to katuwaan ito ay trabaho ng
Batang ginawa ang imposible sa laro at taga Pajo lang

[Verse 7 - 3rdflo']
Mr.Musika't Diskarte oo ako to pare
Plano ko matinde laging pa-abante
Walang arte bawat oras ay ginto
Kung ayaw pagbuksan ng pinto, Wawasakin ko!
Batang Tundong may dugo ni Asiong at gulang ni Golem
Mala Vito Corleone galawan pailalim
Sa larong ito utak ang dapat pairalin
Pera-pera lang lahat yan kayang paganahin
Trabaho lang pre walang personalan
Kung di mo ko trip di ko kasalanan
Negosyo, Kaibigan di pinaghahalo
Kung pera, pera tayo, pag tropa ay tropa tayo

[Hook]
Trabaho lang men, Walang personalan
Nagsisipag lang para kame ay yumaman
Trabaho lang men, Walang personalan
Mga tamad ay aming iiwanan
Trabaho lang men, Walang personalan
Nagsisipag lang para kame ay yumaman
Trabaho lang men, Walang personalan
Mga tamad ay aming iiwanan

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics

727 Clique Trabaho Lang Video Lyrics