Gloc 9 Ice Tubig Lyrics


Ice Tubig by Gloc-9

[Intro]
Gusto ko lang malaman
Kung bakit tuluyan kang nanlamig

[Chorus]
Para kang ice tubig
Palagi kang masungit
Nasan na ang init ng nadarama mo
Para kang ice tubig
Ice tubig, wala na bang palugit
Nawala na ang init ng pagmamahal mo
Para kang ice tubig

[Verse 1]
(simula ng ma-) nakilala kita noon sa makati
(makilala ka) isang babae na mahilig na pumarty
(binigay ko na) 'di nakinig kahit maraming nagsasabi
(sa'yo ang lahat) na ikaw raw ay maarti
(niligawan na) ang lahat lahat sayo inilaan
(may bulaklak pa) kada Gucci Givenchy, nahulugan
(ipinaglaban ka) kase dito sa laro na habulan
('di pa'rin sapat) ako pala ang talunan

[Chorus]
Para kang ice tubig
Palagi kang masungit
Nas'an na ang init ng nadarama mo
Para kang ice tubig
Ice tubig, wala na bang palugit
Nawala na ang init ng pagmamahal mo
Para kang ice tubig

[Verse 2]
Noon pa sana'y alam ko na
Hindi na sana umaasa pa
(di na umasa pa)
Na ika'y kapareho lang
Katulad ka rin naman ng iba
(katulad ka rin ng iba)
Kaso nagkamali pala ako
Naniwala sa pangako mo
Na tayo lamang dalawa

[Refrain]
Hoy teka, teka muna
Bakit ba parang ayaw mong gumamit ng luma
Sa kakakayod di na 'ko nagkaron ng muta
Hindi na natutulog para lang iyong makuha

[Verse 3]
Ang lahat ng luho napasubo
Para kang tinderang mataas ang tubo
Kahit hilaw pipitasin mo ang bunga sa puno
Baka ka maengkanto 'wag kang turo ng turo
Dati rati'y hawak-hawak mong aking kamay sa jeep
Ngunit ngayon kapag kasama mo ako'y naiinip
Naiinis, pasensya mo saki'y numinipis
Tuwing umaalis bakit saki'y hindi na kumikiss
Ayaw mo na akong hagkan
Ikaw sa akin ay parang napakataas na hagdan
Panget sayo'y pumopogi kung may magarang sasakyan
Puso mo na parang galing sa may yelong lalagyan

[Chorus]
Para kang ice tubig
Palagi kang masungit
Nasan na ang init ng nadarama mo
Para kang ice tubig
Ice tubig, wala na bang palugit
Nawala na ang init ng pagmamahal mo
Para kang ice tubig
Para kang ice tubig
Palagi kang masungit
Nasan na ang init ng nadarama mo
Para kang ice tubig
Ice tubig, wala na bang palugit
Nawala na ang init ng pagmamahal mo
Para kang ice tubig

[Outro]
Hoy teka, teka muna
Bakit ba parang ayaw mong gumamit ng luma
Sa kakakayod di na 'ko nagkaron ng muta
Hindi na natutulog para lang iyong makuha
Hoy teka, teka muna
Bakit ba parang ayaw mong gumamit ng luma
Sa kakakayod di na 'ko nagkaron ng muta
Hindi na natutulog para lang iyong makuha

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics