Par Di Sa Panaginip Lyrics


'Di Sa Panaginip by PAR

'Di ba't ikaw na ang nagsabing " 'Di magbabago ”?
'Di na't sa labi mo nanggaling ang mga pangako?
Kaya't aking panghahawakan,
'Di yan bibitawan giliw.

'Di kalilimutan giliw

Binigay mo na sa akin ang mga bituin.
Inihele mo ako sa iyong piling.
Kaya't ikay nasisilayan
Sa aking kinabukasan giliw.

'Di inikalang matitikman ang pag-ibig
Na tila ba sa panaginip lang.
Sa iyo ibibigay ang pag-ibig
Na iyong inaasam
At hindi sa panaginip lang.

Natapos na ang pagpatak ng ulan.
Matingkad na bahaghari aking nahagkan.
Ang simoy ng hangin dumarampi,
Maging ang yong ngiti oh giliw.

Oh kay sarap isipin giliw

Pinunasan mo mga luhang galing saking mga mata.
Ang dating malungkot ngayon ay masaya.
'Di na muling malulumbay
Basta't hawak mong kamay ko giliw.

'Di inikalang matitikman ang pag-ibig
Na tila ba sa panaginip lang.
Sa iyo ibibigay ang pag-ibig
Na iyong inaasam
At hindi sa panaginip lang.

Inialay mo sa aking ang iyong puso
Ng walang pagpapanggap o pagtatago.
Kaya't aking sasambitin
Ako ay ganon din oh giliw.

'Di inikalang matitikman ang pag-ibig
Na tila ba sa panaginip lang.
Sa iyo ibibigay ang pag-ibig
Na iyong inaasam
At hindi sa panaginip lang.

'Di sa panaginip lang
'Di sa panaginip lang

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics