Erik Santos Pangarap Na Ikaw Lyrics


Pangarap Na Ikaw by Erik Santos

Sabi nila kay tagal kong nangarap
Makilala ang siyang magbibigay saya
Sa puso kong bigo
Sa buhay kong malabo

Ngayon ako'y napagbigyan
Isang nilalang na magsisilbing tahanan
Ang tunay kong kapalaran
Sagot sa aking dasal
Ang aking mahal

Pangarap na ikaw
Sa araw-araw ay matanaw
Pangarap na ikaw
Nagsisilbing tanglaw

Wala nang ako
Lahat ngayo'y pana'y tayo
Ang salitang ikaw
Ngayo'y abot tanaw

Ngayon ako na ay iyo
Asahan pagibig ko ay hindi magbabago
Kailanman ay totoo
Ang ikaw na panaginip isa nang katotohanan

Pangarap na ikaw
Sa araw-araw ay matanaw
Pangarap na ikaw
Nagsisilbing tanglaw

Sa ating pagharap sa bukas na pangarap
Kalungkuta'y nagwakas sa pagibig na wagas

Pangarap na ikaw
Sa araw-araw ay matanaw
Pangarap na ikaw
Nagsisilbing tanglaw

Pangarap na ikaw
Habambuhay kong mahal

Recently Searched Lyrics

Recently Viewed Lyrics